Connect with us

Defunding ng Dela Rosa, ikakapanalo ng CPP-NPA-NDF – Sen. Dela Rosa

Mananalo ang Communist Party of the Philippines- New People's Army (CPP-NPA) kung mai-defund ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

National News

Defunding ng Dela Rosa, ikakapanalo ng CPP-NPA-NDF – Sen. Dela Rosa

Mananalo ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) kung mai-defund ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang naging pahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Dela Rosa, kung medyo nagalaw ang pride ng ilang Senador sa asal ni NTF-ELCAC Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade dapat ihiwalay nalang ang isyu na ito sa nasabing task force.

“Sinong mag-certify na urgent ‘yan? Pangulong Duterte? Eh hindi naman ang military, hindi naman ang pulis ang nagred-tag sa kanila. Si Joma Sison mismo ang nagred-tag sa kanila. Si Joma Sison mismo nagdeklara na itong mga Kabataan Partylist, itong mga Gabriela, itong ACT, itong Bayan Muna ay legal fronts ng Communist Party of the Philippines,” ani senador Bato.

Naibahagi pa ni Sen. Dela Rosa na malakas ang simpatiya ng mamamayan sa NPA noong naninilbihan pa siya bilang pulis ngunit ngayon ay nakikita niyang sa pamamagitan ng pagbabago na hatid ng NTF-ELCAC ay nagiging panatag na ito tungo sa gobyerno.

Naniniwala naman si Sen. Dela Rosa na hindi siya nag-iisa sa Senado na haharang sa nasabing defunding ng NTF-ELCAC.

Kaugnay nito, dismayado ang gobernador ng North Cotabato sa panukalang i-defund ang NTF-ELCAC.

Ayon kay North Cotabato Governor Nancy Catamco sa panayam ng Sonshine radio, kung sakaling may problema sa NTF-ELCAC ay mas nararapat na ayusin ito sa paraang hindi i-defund dahil marami na ring mga Pilipinong nakabenepisyo sa barangay development program nito.

Matatandaang ang barangay development program ay nakatuon para sa mga lugar na noo’y pinamumugaran ng mga CPP-NPA.

Ayon kay Catamco, isa ang North Cotabato sa lubos na nakabenepisyo ng barangay development program ng NTF-ELCAC gaya ng pagpapaayos ng mga daan, pagpapa-tubig, pagpapatayo ng mga paaralan.

More in National News

Latest News

To Top