Connect with us

Deforestation, isang dahilan ng pag-apaw ng tubig sa Cagayan River

Deforestation at maling agricultural practices ang ilang dahilan kung bakit umaapaw ang tubig sa Cagayan River.

Regional

Deforestation, isang dahilan ng pag-apaw ng tubig sa Cagayan River

Deforestation at maling agricultural practices ang ilang dahilan kung bakit umaapaw ang tubig sa Cagayan River.

Ito ang ibinahagi ni Alcala, Cagayan Mayor Cristina Santiago sa panayam ng Sonshine radio matapos masuri ng isang UP geology expert ang parte ng Cagayan River sa partikular sa bandang Alcala.

 “Naputol na po ang ating mga punongkahoy, at ang pagputol ng punongkahoy ay hindi lang dahil sa illegal loggers, pero dahil sa tinatawag na agricultural practices na hindi tama. ‘Yun pong pagtatanim sa mga bundok mismo, pinapatay ng practice na ‘yun ‘yung lahat na tumutubong vegetation dahil sa pag-spray ng tinatawag na herbicide.”.

Kaugnay nito, hinimok naman ng kanilang lokal na pamahalaan ang mga magsasaka sa kanilang bayan na magtanim ng fruit trees upang makatulong sa pagpigil ng tubig-baha.

Ikinatuwa naman ni Mayor Antonio ang naging positibong tugon dito ng mga magsasaka.

 “Sa halip na yellow corn ang itatanim, magbibigay ang LGU sa inyo ng mga libreng fruit tree seedlings. Ipu-provide lahat ng LGU ang pangangailangan para po sa mga seedlings na ito. At habang hinihintay ang pagtubo ng mga fruit trees ay bibigyan din po ng pagkakataon na magtanim ng intercrops.”

Samantala, may disturbance fee na ₱20,000 namang ibibigay sa mga magsasaka na magpapalit ng produkto.

Ayon din kay Mayor Antonio base na rin sa pagsusuri ng UP geology expert na kinunsulta nila ay sana’y matulungan sila ng national government na palawakin ang parte ng Cagayan river sa bandang Alcala dahil kumipot na ito.

Mula sa 400- meters ay 150-180 meters nalang ito sa kasalukuyan.

Samantala, umabot na sa 6,565 na pamilya o 19,011 na mga indibidwal ang kabuoang apektado sa kanilang lugar bunsod ng bagyong Ulysses.

Habang aabot sa ₱52 milyon naman ang pinsala sa mga pananim.

 

More in Regional

Latest News

To Top