Connect with us

Defense Sec. Delfin Lorenzana, negatibo sa COVID-19

Nakipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Malaysian Defense Minister Dato’ Seri Hishammuddin Tun Hussein sa pamamagitan ng video teleconference.

COVID-19 UPDATES

Defense Sec. Delfin Lorenzana, negatibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na negatibo siya sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) matapos na matanggap ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa kanya.

Gayunpaman, mananatili pa ring naka-home quarantine ang kalihim dahil kailangan niya itong tapusin hanggang April 6, batay na rin sa payo ng kanyang doktor.

Una nang sumailalim sa home quarantine si Lorenzana noong March 27 matapos magpositibo sa COVID-19 si AFP Chief of Staff General Filemon Santos.

Nabatid na dalawang beses nagkasama sa pagtitipon sina Lorenzana at Santos.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling si Santos habang mino-monitor ng mga doktor ng militar

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top