Death certificates ng mga high-profile inmates sa NBP, naisumite na sa DOJ

National News

Natanggap na ng Department of Justice (DOJ) ang death certificates ng mga high-profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) na namatay dahil umano sa COVID-19.

Samantala sinabi pa ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inaasahan namang maisusumite na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng linggong ito ang progress report kaugnay sa isinagawa nilang imbestigasyon.

Kasabay nito ay ikinatuwa ni Guevarra ang desisyon ni Senator Richard Gordon na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon bago magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa Senado.

Sa ngayon ang kumpirmadong mga bilanggo na kasama sa mga namatay sa COVID sa Bilibid ay ang high-profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Amin Buratong, Francis Co, Jimmy Yang, Benjamin Marcelo, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Eugene Chua at Ryan Ong.