Connect with us

Deadline ng nationwide road clearing operations, ipinaalala sa mga LGU

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang 60-day deadline sa road clearing operations na magtatapos na sa Enero a-15.

National News

Ani DILG spox. Jonathan Malaya, gayung tapos na ang holiday season inaasahan nilang sinisimulan nang muli ng Local Government Units (LGUs) ang pagkakasa ng nationwide road clearing operations 2.0 (RCO 2.0) sa kani-kanilang mga lugar.

Giit ni Malaya, dapat seryosohin ang road clearing upang magkaroon ng mas maluwag na lansangan para na rin sa kapakanan ng publiko.

Magugunitang sa ilalim ng DILG memorandum circular (MC) no.2020-145, inatasan ang mga LGUs na nasa Modified Community Quarantine na matapos ang full implementation ng RCO bago ang Enero a-15 habang ang mga nasa General Community Quarantine naman ay inaasahang nakapagsagawa ng partial implementation.

Suspendido naman ang road clearing operations sa MECQ at ECQ areas.

Pagbibigay-diin naman ni Malaya sa mga opisyal na bagaman ang deadline ay matatapos na sa Enero a-15 ay kinakailangan pa rin ang year-round activities kaugnay nito upang mapanatili ang kaayusan ng mga lansangan.

More in National News

Latest News

To Top