Connect with us

De Lima, nangangambang maapektuhan ng public shaming ni Pang. Duterte ang kanyang drug cases

Nangangamba si Sen. Leila De Lima na maaring makaepekto ang mga sexist remark sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga drug related cases sa korte.

National News

De Lima, nangangambang maapektuhan ng public shaming ni Pang. Duterte ang kanyang drug cases

Nangangamba si Sen. Leila De Lima na maaring makaepekto ang mga sexist remark sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga drug related cases sa korte.

Buwan ng Pebrero ng maabswelto si Sen. Leila De Lima sa isa sa mga drug related cases nito at sa ngayon ay may natitira pa itong dalawang kaso.

Pero pangamba ngayon ng senadora na ang public shaming na ginagawa sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maaring magkaroon ng negatibong  resulta sa paglilitis ng kaniyang mga kaso ngayon.

Matatandaan na isang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang linggo sa Tacloban Leyte  ay sinabihan nitong “bitch”ang senadora .

Binanggit din ng Pangulo ang drug lord na si Jaybee Sebastian bilang lover ni De Lima.

Ayon sa nakadetineng senadora, sa mga sexist remark ng pangulo ay paraan nito ng pagsasabi sa Korte na “Conviction” ang dapat ihatol sa kaniyang mga natitirang  kaso.

“His prejudicial statements delivered now during the ongoing criminal proceedings against me can only contribute to what is looming to be a mistrial of the most unjust proportions,”ani Sen. Leila De Lima.

Sinabi ng senadora na dahil sa demolitiom campaign sa kaniya ng Pangulo noong 2016 ay dinanas nito ang conviction by publicity na naging dahilan aniya para siya ay makulong noong 2017.

“I am in the dock for crimes that I did not commit and can land me in jail forever. Yet the President has no qualms in rigging the game, brooking no chance that I am given a fair trial, unhampered by any remedy from my end, for as long as Duterte sits on his throne. If this is not injustice and persecution of the highest order, I do not know what else is.”

Inamin din ng senadora na nawawalan na ito ng pag-asa na may magagawa pa ito sa mga ginawang pang iinsulto sa kaniya ni Pangulong Duterte gayong mayroong immunity from suit ang pangulo.

Sa ngayon ay apat na taon ng nakakulong ang senadora.

 

More in National News

Latest News

To Top