Connect with us

DDR Bill, pinasesertipikahang urgent kay Pangulong Duterte

Nanawagan si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang House Bill 5989 o ang Department of Disaster Resilience o DDR Bill.

National News

DDR Bill, pinasesertipikahang urgent kay Pangulong Duterte

Nanawagan si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang House Bill 5989 o ang Department of Disaster Resilience o DDR Bill.

Ayon kay Torres-Gomez na siyang chairman ng House Committee on Disaster Resilience, ang pagbuo ng hiwalay na departamento na hahawak sa disaster management ay mahalaga lalo na at natural na daanan ng kalamidad ang bansa.

Mahalaga aniya na may tututok sa post at pre disaster management, building resilience, response and rehabilitation pati na ang post-COVID strategy ng bansa.

Punto ng mambabatas, kasama ang DDR bill sa priority measures sa nagdaang dalawang SONA ni Pangulong Duterte na kapag naisabatas ay magdudulot din ng magandang epekto sa ekonomiya ng bansa.

“Having the DDR in place ensures that whatever economic gains we achieve would not be at risk of slipping back just because of disaster events, especially as we re-establish our economy post-COVID,” ayon sa mambabatas.

Setyembre pa nitong nakaraang taon nang maipasa sa kamara ang DDR Bill habang nakatengga naman ito ngayon sa senado.

“The rainy season will start soon. Many of our people who live in disaster-prone areas will again spend long days and nights worrying about the safety of their families once the typhoons start coming. Let us all act fast to finish legislative deliberations on the proposal so President Duterte can sign it into law before his term ends,” diin ng mambabatas.

More in National News

Latest News

To Top