Connect with us

DBM, naglabas na ng ₱1.5 bilyon pondo sa mga LGUs na tinamaan ng bagyong Quinta at Rolly

Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱1.5 bilyon para sa mga Local Government Units  (LGUs) upang suportahan ang mga disaster relief efforts nito kasunod ng pananalasa ng bagyong Rolly at Quinta.

National News

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, nagbigay na ang kanilang ahensya ng special allotment release order (SARO) at notice of cash allocation (NCA) para tulong pinansyal sa mga probinsya, syudad at munisipalidad na apektado ng mga nabanggit na bagyo.

Dagdag ni Avisado, magkakaroon pa ng dagdag na pondo para naman sa mga apektado ng bagyong Ulysses.

Ani Avisado, ang halaga ng alokasyon ay base na rin sa estimasyon ng halaga ng pinsala at bilang ng mga apektadong populasyon ng bawat LGU.

Base sa presentasyon ng kalihim, ang probinsya ng Albay mula sa rehiyon ng Bicol ang makakakuha ng pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng ₱347 milyon na sinundan ng Camarines Sur na may ₱165.9 milyon at Catanduanes na may ₱143.2 milyon.

More in National News

Latest News

To Top