Connect with us

Davao City Mayor Sara Duterte, tatakbo sa pagkapresidente – Salceda

Davao City Mayor Sara Duterte

National News

Davao City Mayor Sara Duterte, tatakbo sa pagkapresidente – Salceda

Iginiit ni Albay 2nd District Joey Salceda na tatakbong Pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 general elections.

Batay sa palitan nila ng mensahe at kung babasahin ang pinakahuling political move ni Mayor Sara, giit ni Salceda na tungo sa presidential elections ang tahak ng Mayora.

Diin ni Salceda, ‘non-optional’ o wala sa posibilidad na tatakbong Vice-President si Mayor Sara matapos niya itong tanungin sa isyu na hindi naman sinagot ng Mayora.

Bago pa ang filing ng COC para sa 2022 elections, naunang sinabi ni Salceda noon pang Mayo na 100% tatakbong Pangulong ng bansa.

Nilinaw naman ni Salceda na ang mga pahayag niya sarili lamang niyang interpretasyon base sa kanilang mga naging pag-uusap ni Mayor Sara.

Samantala, nauna nang nagpahayag ng suporta ang beteranong mambabatas at ekonomista na si Albay Rep. Salceda kay Mayor Inday Sara bilang susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay Salceda, nakatrabaho na niya ang nakababatang Duterte sa local level noong gobernador ito ng Albay at napahanga ito sa trabaho ng local chief executive.

Kung pagbabatayan raw kasi ang track record ng alkalde, makikita na marunong ito sa paggamit ng pondo o resources.

More in National News

Latest News

To Top