Connect with us

Davao City, isinailalim ni Pang. Duterte sa GCQ hanggang Nobyembre 30

Muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Community Quarantine (GCQ) ang Davao City.

Regional

Davao City, isinailalim ni Pang. Duterte sa GCQ hanggang Nobyembre 30

Muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Community Quarantine (GCQ) ang Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili sa GCQ ang Davao hanggang sa Nobyembre 30 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases doon.

Sinabi ni Roque na magtatayo din ng isang one hospital command center sa naturang lungsod.

Inatasan din ang mga pribadong ospital sa lungsod na itaas ang kanilang COVID-19 bed capacity sa 20 % hanggang 30 %.

Una namang inirekumenda ni National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na muling isailalim sa GCQ ang Davao City bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, mayroon ang lungsod ng 5,541 COVID-19 cases kung saan nasa 2,000 ang active cases.

More in Regional

Latest News

To Top