Connect with us

Davao City, hindi bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas – DOH

Davao City, hindi bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas - DOH

News

Davao City, hindi bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas – DOH

Hindi bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas ang Davao City.

Ito ang nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.

Ayon kay Vergeire, hindi naman origin ng COVID-19 ang Davao.

Iniiwasan rin aniya ng DOH ang paggamit ng salitang “epicenter” dahil nangangahulungan ito na source at hotspot ng COVID-19 virus ang lugar.

Sinabi ni Vergeire na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon sa Davao bunsod ng pagtaas ng virus infections doon.

 

 

More in News

Latest News

To Top