Connect with us

Dating VP Noli De Castro, binawi ang senatorial bid para sa 2022 elections

Binawi na ni dating Vice President Noli De Castro ang kanyang kandidatura sa pagkasenador para sa 2022 election

National News

Dating VP Noli De Castro, binawi ang senatorial bid para sa 2022 elections

Binawi na ni dating Vice President Noli De Castro ang kanyang kandidatura sa pagkasenador para sa 2022 election.

Sa isang pahayag, sinabi ni De Castro na nagkaroon ng pagbabago sa kanyang plano.

Ayon sa beteranong mamahayag, napag-ispip-isip niya na mas makatutulong siya sa pagbibigay ng boses sa mga pilipino sa pamamagitan ng pamamahayag.

Noong Biyernes nang maghain ng certificate of candidacy (COC) si De Castro sa ilalim ng Aksyon Demokratiko Party.

Samantala, nirerespeto ni Manila Mayor Isko Moreno ang naging desisyon ni dating VP Noli de Castro na umatras sa pagtakbo sa pagkasenador sa 2022 national elections.

Sa inilabas na pahayag ni Mayor Isko na siya ring namumuno ng kanilang partidong Aksyon Demokratiko, may mga personal na dahilan si De Castro kung bakit hindi na siya tutuloy sa pagkandidato bilang senador.

Pero iginiit ni Mayor Isko, umaasa sila na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong sa publiko at suporta sa kanilang partido.

Sinabi naman ni Aksyon Demoktstiko Chairperson Ernest Ramel na kahit na nag-withdraw si De Castro ay parte pa rin ito ng kanilang partido kung saan kukunsulta parin sila sa dating bise presidente lalo na’t marami itong nalalaman pagdating sa usapin ng serbisyo publiko.

More in National News

Latest News

To Top