Connect with us

Dating vice mayor ng Picong, Lanao del Sur, arestado ng pulisya

Dating vice mayor ng Picong, Lanao del Sur, arestado ng pulisya

Regional

Dating vice mayor ng Picong, Lanao del Sur, arestado ng pulisya

Nahuli ng PNP CIDG si dating Picong, Lanao del Sur Vice Mayor Alinader Balindong sa isang ospital sa Ozamis City.

Ito ay matapos ipatupad ang warrant of arrest para sa kasong murder at frustrated murder.

Ayon kay PNP CIDG director Police Major General Albert Ignatius Ferro, napag-alaman ng arresting team na ang mga warrant of arrest kay Balindong ay may kaugnayan sa pagpatay sa isang market administrator ng Malabang, Lanao del Sur, noong 2020.

Naka-confine ngayon si Balindong sa Misamis University Medical Center sa Ozamis City matapos magprisinta ang kanyang abogado ng interim order with a granted motion para sa kanyang hospital arrest.

Si Balindong ay kakandidato sa pagka-alkalde ng Malabang, Lanao del Sur.

More in Regional

Latest News

To Top