Connect with us

Dating Speaker Cayetano, hindi na tutuloy sa pagtakbong pangulo sa 2022

Hindi na tutuloy sa pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections is dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

National News

Dating Speaker Cayetano, hindi na tutuloy sa pagtakbong pangulo sa 2022

Hindi na tutuloy sa pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections is dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ang kanyang kinumpirma sa isang panayam ngayong araw sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy o COC para sa susunod na botohan.

“Hindi po tayo tatakbo bilang pangulo ng republika ng Pilipinas ngayong 2022 so that po maging open din ‘yung lines ko,” saad ni Cayetano.

Ayon sa mambabatas, magdudulot lamang ng pagkakahati-hati sa halip na pagkakaisa kung tutuloy ito sa pagtakbong pangulo.

Diin nito na dumaan siya sa taimtim na pagdarasal at konsultasyon sa kanyang mga taga suporta kung ano ang magiging papel niya sa pagtulong sa mga Pilipino sa mas mataas na posisyon.

Kamakailan ay nag number 2 si Cayetano sa senatorial survey ng Pulse Asia ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo nito kung anong posisyon ang tatakbuhan sa 2022.

More in National News

Latest News

To Top