Connect with us

Dating rebeldeng IP na naninira kay Pastor Quiboloy, nais na personal na humingi ng paumanhin

Isiniwalat nga ng isang tribal leader kung papaano sila nalinlang para masiraan si Pastor Apollo C. Quiboloy

National News

Dating rebeldeng IP na naninira kay Pastor Quiboloy, nais na personal na humingi ng paumanhin

Isiniwalat nga ng isang tribal leader kung papaano sila nalinlang para masiraan si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao City.

Inakusahan pa noon ang butihing pastor na mamamatay tao.

Kaugnayan ito sa nangyaring pagpaslang sa tribal leader na si Datu Dominador Diarog.

Abril 29 taong 2008 nang pinaulanan ng bala ang bahay ni Diarog sa sitio Kahusayan, barangay Manuel Guianga sa Calinan, Davao City.

Napatay sa insdente si Datu Diarog habang nasugatan naman ang asawa nito at apat na mga anak nito kung saan 3 sa panahon na iyon ay pawang mga menor de edad.

Agad ikinabit ang pangalan ni Pastor Apollo matapos na akusahan ito ng kamag-anak ng ang umano’y mga tauhan nito ay matagal nang nananakot kay Diarog para ibenta ang kaniyang 2 ektaryang lupa na malapit sa Prayer Mountain ni Pastor Apollo sa Brgy. Tamayong, Davao City.

Mariin itong pinasinungalingan noon ni Pastor Apollo C. Quiboloy at sinabing paninira lamang at propaganda lang para malihis ang tunay kwento sa nangyaring insidente.

Maging si Pang. Rodrigo Duterte na dating alkalde ng Davao City ng mga panahong iyon ay hindi naniniwalang magagawa ang naturang krimen ni Pastor Apollo.

Kalaunan ay nagbigay ng pahayag ang Task Force Davao, na nasa ilalim ng 7rd infantry battalion, at sinabing ang rebeldeng teroristang New People’s Army (NPA) ang pumatay kay Diarog na kanila namang pinasingungalingan.

Umabot din sa punto na pinaratangan pa ng mga makakaliwa ang Task Force Davao na silang gumawa ng krimen kay Datu Diarog.

Sinakyan pang lalo ito ng propagandista na konektado sa CPP-NPA-NDF at patuloy na siniraan ang butihing pastor.

Maging ang ilang local media ay kinagat ang propaganda ng mga kaliwa at panay rin ang akusasyon at batikos kay Pastor Apollo sa mga panahong iyon.

Sa ekslusibong panayam ng programang ‘Laban Kasama Ang Bayan’ sa SMNI News, inamin ng anak ng pinaslang na tribal leader na si Datu Diolito Diarog na sinulsulan talaga sila ng mga makakaliwa para lumaki ang isyu, masiraan ang butihing pastor at nang magkaroon ng kontrol ang CPP-NPA-NDF sa lugar sa naturang IP community sa Davao City.

Maging si pang. Duterte, ay nagsabi na rin sa kanya na hindi totoo ang mga ibinibintang kay Pastor Apollo.

Kaugnay nito, inihayag naman ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng komunistang terorista, na ang ginawa ng CPP-NPA-NDF sa paglilinlang sa mga indigenous people ay matagal nang modus nila para makuha ang sariling interes.

Inihayad din ni Datu Diolito na sa sobrang paniwala nila sa mga sinasabi ng mga komunista at hindi na sila naniniwala sa militar, sa kapulisan at maging sa pamahalaan sa kabuuan.

Pag-amin pa ni Datu Diolito, napagtanto niya sa huli na ang gobyerno rin pala ang makakabigay ng solusyon sa problemang kanilang pinagdaanan dati at hindi ang mga komunistang terorista.

Sa huli ay nagpasalamat naman si Datu Diolito kay Pastor Apollo at ninanais na makausap ito ng personal kasama na ang komunidad nila para maipaabot ang kanilang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa hindi magandang nagawa noon.

 

More in National News

Latest News

To Top