Connect with us

Dating pulis na si Jonel Nuezca, pumanaw na

Dating pulis na si Jonel Nuezca, pumanaw na

National News

Dating pulis na si Jonel Nuezca, pumanaw na

Pumanaw na ang dating pulis na si Jonel Nuezca na convicted sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac noong nakaraang taon.

Kinumpirma ito ng Bureau of Corrections (BOC).

Ayon kay BUCOR Spokesperson Gabriel Chaclag, Nobyembre 30, 2021 nang bawian ng buhay si Nuezca.

Dinala aniya si Nuezca na walang malay sa NBP hospital ng kanyang mga kasama sa selda matapos bumagsak sa sahig ng kanilang dormitoryo.

Sa ngayon ay hindi pa alam ang dahilan ng pagkamatay ng dating pulis.

Magsasagawa naman ang NBI ng autopsy habang inaalam pa ng otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng dating pulis

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top