Connect with us

Dating high officials ng CPP-NPA, sinampahan ng kasong kriminal si Joma Sison

Nagkaisa ang mga dating high ranking officials ng New People’s Army (NPA)  para mag sampa ng kasong kriminal sa Department of Justice(DOJ)

National News

Dating high officials ng CPP-NPA, sinampahan ng kasong kriminal si Joma Sison

Nagkaisa ang mga dating high ranking officials ng New People’s Army  para mag sampa ng kasong kriminal sa Department of Justice(DOJ) laban sa mastermind ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army – National Deomocratic Front (CPP-NPA-NDF) na si Jose Maria Sison.

Kabilang sa mga nagkasa ng ligal na labanan ay ang mga dating commander, secretary, political instructor at iba pang high ranking official ng NPA at ang isa ay ina ng isa sa narecruit ng CPP-NPA-NDF.

No description available.

 

 

 

Maliban kay Jose Maria Sison o Joma Sison, sinampahan din ng kaso sina Sarah Elago, Vincer Crisostomo at iba pang liderato ng komunistang teroristang grupo.

Ang mga kasong isinampa laban sa makakaliwang grupo ay ang paglabag sa Section 3(A)(B) ng Republic Act 9208, na naglalaman ng pagbabawal sa pagrerecruit, panlilinlang, pagdukot, panggagamit at iba pa.

No description available.

kasama rin sa isinampang kaso ay ang Section 4(I) of Republic Act 10364 o ang pagrerecruit ng kabataan at isinasabak sa armadong aktibidades sa loob at labas ng bansa.

No description available.

Kasama rin sa kaso ay ang pangaabuso sa kabataan o child abuse.

No description available.

No description available.

No description available.

Bago pumasok sa DOJ ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na saksi sa nawawalang  anak ni Luisa Espina dahil sa ginawang recruitment ng CCP-NPA-NDF ay humiling na pakinggan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kanilang isinampang kaso.

Open Photo

Anim na mga kadre ang magpapatunay na ang recruitment na ginagawa ng CPP-NPA-NDF ay walang maidudulot ng mabuti gaya nalang sa nangyari sa anak ni Luisa Espina na si Louvaine

Inaasahan naman ni ng dating kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celis na makikita ng DOJ ang kaliwanagan sa mga ginagawang kasamaan ng CPP-NPA-NDF at mabigyan na ng hustisya.

Open Photo

Samantala, pinasalamatan naman ni Ka Eric si Pastor Apollo Quiboloy ang chairman ng SMNI News sa supportang ibinibigay nito na wakasan ang mahigit na 52 taon na insurhensiya sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top