Connect with us

Dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, nakaligtas sa ambush

Kumpirmadong nakaligtas sa tangkang pag-ambush si dating Camarines Sur 1st District Rolando “Nonoy” Andaya kaninang umaga.

National News

Dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, nakaligtas sa ambush

Kumpirmadong nakaligtas sa tangkang pag-ambush si dating Camarines Sur 1st District Rolando “Nonoy” Andaya kaninang umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office 5, bandang 7:45 kaninang umaga nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Pili Municipal Police Station hinggil sa nangyaring pananambang sa Maharlika Highway malapit sa EPL General Construction and Supply.

Narekober naman sa site ang dalawang piraso ng fired cartridge ng kalibre 45 baril.

Ligtas naman at walang natamong sugat si Andaya at wala pang komento sa kaniyang sinapit.

Sa ngayon ay bumuo na ng Special Provincial Investigation Team ang PRO-5 para mapabilis ang pagtukoy sa mga nasa likod ng ambush.

Nag-deploy narin ng karagdagang mga pulis sa lugar para mapawi ang pangamba ang mga residente sa lugar.

More in National News

Latest News

To Top