Connect with us

Dating alkalde ng Lasam Cagayan at 3 iba pa, patay sa pananambang

Patay sa pananambang ang apat na indibidwal sa Lasam, Cagayan ngayong Lunes.

Regional

Dating alkalde ng Lasam Cagayan at 3 iba pa, patay sa pananambang

Patay ang 4 na katao kabilang ang dalawang incumbent Sangguniang Bayan Members ng Lasam, Cagayan matapos tambangan pasado alas onse (11:30AM) ngayong araw ng Lunes, Pebrero-15 sa bahagi ng Brgy Ignacio Jurado ng nasabing bayan.

Sa pinadalang report ni PMaj Pablo Tumbali, Acting Chief of Police ng PNP Lasam, kinilala nito ang mga biktima na sina Sangguniang Bayan Members Marjorie “Jaling” Salazar y Apil at Eduardo Asuten na kapwa naging alkalde din sa nasabing bayan.

May be an image of tree and outdoors

Kasama din sa nasawi ang driver ni Salazar na si John Rey Apil y Cortes, 24-anyos, may-asawa at ang sekretarya nito na si Aiza Manuel y Salvador, 30-anyos, married na pawang residente ng Brgy. Callao Sur.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Lasam, ang mga biktima ay sakay ng puting Toyota Hiace Van na may plakang YN 1266 at nang makarating sa lugar ng insidente ay may asul na Hyundai Accent at puting Toyota Wigo na kapwa walang plaka kung saan ang mga sakay nito ang nagpaulan ng bala sa sasakyan ng mga biktima.

Tumalilis umano ang mga hindi pa natutukoy na mga salarin patungong timog na bahagi patungong Brgy Centro ng naturang bayan matapos ang pananambang.

Agaran rumesponde ang hanay ng pulisya ng Lasam at nagawang maisugod sa ospital ang mga biktima subalit binawian din ng buhay.

Kasalukuyan ang hot pursuit at dragnet operations ang kapulisan laban sa mga salarin.

More in Regional

Latest News

To Top