Connect with us

Database ng DFA, planong gamitin ng COMELEC para mapabilis ang voters registration

Nasa plano ngayon ng COMELEC na gamitin ang data base ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang voting registration.

National News

Database ng DFA, planong gamitin ng COMELEC para mapabilis ang voters registration

Nasa plano ngayon ng Commission of Election (COMELEC) na gamitin ang database ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang voting registration.

Sa naging panayam ng SMNI news kay COMELEC Director James Jimenez, aniya mas magiging kumbinyente ang pagpaparehistro sakaling ang isang tao ay isang passport holder.

Ani Jimenez,“Ang DFA po kasi kapag nag-iisyu ng passport, sila ay nag-ga-gather din ng biometrics ng mga iniisyuhan ng passport. So ang thinking diyan is kung may passport, may biometrics on record na sa DFA.”

“Kung magkakaron ng link-up between the system of COMELEC and DFA, in theory magagamit natin yung biometrics verification na ginagawa ng DFA. Hindi naman ang passport lamang ang gagamitin, pag may passport, good na, hindi naman po ganoon. Pero yung passport yung pinaka starting point mo diyan.”

Pinayuhan na ng commission en banc na sumailalim muna ang panukalang ito sa legal na pag-aaral.

Dahil aniya sila mismo sa komisyon ay nagdadalawang-isip din.

Giit ng tagapagsalita ito ay para mapangalagaan din ang confidentiality ng impormasyon ng isang indibidwal.

“From the beginning pa, noon-noon pa, ang COMELEC hindi sumasama iyan sa mga universal ID na idea. In fact, sa national ID system, hindi kami kasama. ”

“The reason for that is because kapag nag-gather kami ng biometrics, isang purpose lang iyan – for voter’s registration lang, for election purposes lang. So hindi kami nag-ga-gather ng biometrics for any other reasons and therefore hindi naman sini-share yung data base namin.”

Sa ngayon aniya ay wala pa silang hawak na eksaktong bilang kung ilan ang maaring makapag-apply sa passport resolution sakaling maipasa ito COMELEC.

More in National News

To Top