Daryl Ong, banned sa ABS-CBN

Showbiz

Binigyang linaw ni Singer Daryl Ong na hindi niya sinamantala ang pagsasara ng ABS-CBN para lumipat ng ibang TV network.

“Hindi po ako ang umalis ng ABS-CBN. tinanggal po ako. binan po ako.” yan ang naging pahayag ni Daryl.

Noong June 15 naglabas ng video si Daryl sa kanyang youtube account at sinabi ang dahilan kung bakit siya na-banned sa network.

Ayon kay Daryl may batas ang management ng ABS-CBN na bawal na siyang lumabas sa kahit anong kapamilya show.

Kaugnay ito sa isang leaked conversation nila ng kapwa singer na si Bugoy Drilon tungkol sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Samantala, sinabi ni Daryl na nagkaroon ng misunderstanding sa nangyari dagdag pa nito na hindi rin nila kilala ang lalaking nag-record ng naging usapan nila.