Connect with us

“Damage control” sa mga anomalya sa PhilHealth, pinabulaanan ni Sen. Gordon

Inihayag ni Sen. Richard Gordon na malapit na nitong tapusin ang ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon kaugnay sa mga isyu sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

National News

“Damage control” sa mga anomalya sa PhilHealth, pinabulaanan ni Sen. Gordon

Pinabulaanan ni Senator Richard Gordon ang paratang ni detained Sen. Leila De Lima na nais nitong makontrol ang damage sa PhilHealth ng inirekomenda nito na sampahan ng kaso si dating Health Secretary Jannette Garin at dating DBM Sec. Florencio Abad.

Kamakailan, inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kasong technical malversation sina Abad at Garin sa paglilipat ng P10.6 bilyong pondo ng PhilHealth upang pondohan ang 2016 elections.

Kasunod nito ay sinabi ni Sen. De Lima na kaya pinalutang ang pagsasampa ng kaso sa dating dalawang cabinet member ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay para magkaroon ng cover up at damage control sa mga tauhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng ahensya.

Tinawag namang bitter ni Gordon ang nakakulong na senadora at sinasabi niyang ang pagdidiin sa dalawa ay binase niya sa mga ebedensiya.

Matatandaan na taong 2019 ng magkaroon ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon laban sa PhilHealth.

Katwiran pa ni Gordon na kahit siya ay hayagang sumasalungat sa ibang posisyon ng Pangulo.

Partikular ang extrajudicial killing sa kasalukuyang administrasyon, pagbabalik ng death penalty, pag-atake sa simbahang Katolika at paggamit ng malalaswang salita.

More in National News

Latest News

To Top