Connect with us

Dalawang hinihinalang sub leader ng ASG, patay sa magkahiwalay na engkwentro sa Sulu

Patay ang dalawang hinihinalang sub-leader ng Abu Sayyaf Group matapos ang magkahiwalay na engkwentro sa Sulu ngayong araw.

Regional

Dalawang hinihinalang sub leader ng ASG, patay sa magkahiwalay na engkwentro sa Sulu

Patay ang dalawang hinihinalang sub-leader ng Abu Sayyaf Group matapos ang magkahiwalay na engkwentro sa Sulu ngayong araw.

Ayon kay WestMinCom Chief Lieutenant General Corleto Vinluan Jr., nagsasagawa ng combat operation ang marine battalion landing team-1 sa Bud Bawis Complex, Barangay Kawasan sa Panamao, Sulu nang makaengkwentro ang grupo ni Hatib Munap Binda kaninang alas 5:45 ng umaga.

Tumagal aniya ang engkwentro ng 30 minuto kung saan nakuha ng militar ang m16 rifle, m14 rifle at ang katawan ni Binda.

Ani Vinluan, si Binda ang senior leader ng ASG na nag-ooperate sa mga munisipalidad ng Kalingalan, Caluang at Panamao, Sulu at miyembro na ng terorrist organization simula pa noong 2002.

Samantala, napatay din sa hiwalay na engkwentro ang isa pang hinihinalang asg leader na si Bensio Barahama.

Tumagal ang sagupaan ng 20 minuto at isang m14 rifle ang narekober.

Si Barahama ay isang sub-leader aniya ng Panamao-based ASG at sangkot sa ilang kidnap-for-ransom activities na ang binibiktima at mga dayuhan.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng lahat ng military units sa lugar para sa natitrang tropa ng Abu Sayyaf.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top