Connect with us

Dahilan ng pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN, hindi dapat kalimutan

Hindi pwedeng baliwalain ang naging masalimuot na pagdinig ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

National News

Dahilan ng pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN, hindi dapat kalimutan

Hindi pwedeng baliwalain ang naging masalimuot na pagdinig ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kaugnay ito sa paghain ni Senate President Tito Sotto III ng isang senate bill na siyang naglalayon na mabigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya network.

Sa panayam ng SMNI news kay Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, hindi porke’t nagbago na ng house speaker ay maaari ng balewalain ang mga violation ng Kapamilya network na siyang dahilan ng pagkabasura ng kanilang prangkisa.

Dagdag pa ni Rep. Marcoleta, hindi pa natatapos ang pagtalakay ng lahat ng violations ng broadcasting network at hindi pwede itong baliwain.

Maaari naman ang pag-aapply ng bagong batas para sa kanilang franchise renewal pero sa susunod na ito na administrasyon dahil ang 18th congress o ang kasalukuyang kongreso ay matatapos pa sa 2022 at matatandaang ibinasura nila ito dahil sa maraming violations.

Hindi naman umano importante sa ngayon ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil mas importante ang maisaayos nito ang lahat ng anomalya.

More in National News

Latest News

To Top