Higit 600 health workers, isinailalim sa quarantine

Dagdag sahod para sa mga doktors at nars, inihain sa Kamara

National News

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang naglalayon na taasan ang sahod ng mga doktor at nars ng gobyerno.

Sa inihaing House Bill 7053 ni Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez, mula sa entry level na salary grade 21 o katumbas ng P59,353 na buwanang sahod ng mga doktor ay itataas ito hanggang grade 24 o katumbas ng P85,074.

Habang mula naman sa salary grade 11 o 22,316 na buwang sahod ng mga nurse ay nais itong iangat sa salary grade 16 o P35,106.

Bukod dito, target din ng panukala na mabigyan ang mga doktor at nurses ng P,000 buwanang tax-exempted hazard pay, specialy longevity pay, special risk allowance at iba pang allowances.

Ipinanukala din ng mambabatas na mabigyan ng compensation pay na P100,000  kapag nagkasakit ang mga ito habang nakaduty at P1 milyon sakaling ito ay binawian ng buhay sa serbisyo.