Connect with us

Dagdag na 102 kasong kaugnay sa dengvaxia, ihahain sa DOJ

Karagdagang 102 dengvaxia case ang nakatakdang isampa ng Public Attorney's Office (PAO) sa Department of Justice (DOJ) sa susunod na buwan.

National News

Dagdag na 102 kasong kaugnay sa dengvaxia, ihahain sa DOJ

Karagdagang 102 dengvaxia case ang nakatakdang isampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Department of Justice (DOJ) sa susunod na buwan.

Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na 101 sa mga kaso ay kinabibilangan ng mga batang namatay matapos turukan ng dengvaxia habang ang isa ay survivor, pero 97 pa lamang sa mga kaso ang nakahanda nang isampa sa Nobyembre.

Naantala din aniya ang paghahain ng kaso dahil sa COVID-19 pandemic.

Gayunman ay tiniyak ng PAO na sa susunod na buwan ay personal na magtutungo ang PAO at magulang ng mga biktima sa DOJ para personal na maghain ng kaso.

PAO PRESS CONFERENCE – SUPREME COURT RESOLUTION, DENGVAXIA CASES, RELEASE OF PDL'S and other matters. Part 1.

Posted by Persida V. Rueda-Acosta on Thursday, 15 October 2020

Ito na ang ika-anim na batch ng dengvaxia case na isinampa ng PAO sa DoJ.

Sa ngayon umaabot na sa 168 ang kabuuang dengvaxia case na naisampa sa DOJ.

More in National News

To Top