Daan-daang pasahero sa mga pantalan sa bansa, istranded dahil sa Bagyong Ambo

National News

Umabot na sa 604 ang bilang ng mga istranded na tsuper at pahinante ng cargo trucks dahil sa Bagyong Ambo. Ito ay sa Southern Luzon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Ayon  sa Philippine Coast Guard, hindi pinalalayag ang mga sasakyang pandagat sa mga lugar na may makataas na tropical cyclone wind signal.

Istranded din ang biyahe ng nasa 321 na rolling cargoes, 19 cargo vessels, 3 motorbancas.

Habang nasa 103 vessels at 94 motorbancas ang nakikisilong dahil naabutan sila ng bagyo sa nasabing rehiyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pananalasa ng Bagyong Ambo sa Luzon ay ilang lugar sa Visayas.