Connect with us

DA,  pinatututukan ang pagbigay ng agricultural training at agri-preneurship

Hinimok ni Senator Christopher 'Bong' Go  ang Department of Agriculture (DA)  na gawing prayoridad ang agricultural training at i-promote ang agri-preneurship para makatulong sa recovery  ng ekonomiya at mapalago ang rural development.

National News

DA,  pinatututukan ang pagbigay ng agricultural training at agri-preneurship

Hinimok ni Senator Christopher ‘Bong’ Go  ang Department of Agriculture (DA)  na gawing prayoridad ang agricultural training at i-promote ang agri-preneurship para makatulong sa recovery  ng ekonomiya at mapalago ang rural development.

Ani Go, “Lalo na sa panahon ngayon na apektado ng krisis ang ating ekonomiya, ‘back to basics’ po tayo. Nakita natin ngayon kung gaano kahalaga ang agrikultura sa ating bansa at sa ating kabuhayan.”

“Mabilis pong maibabalik ang sigla ng ating ekonomiya kung palalakasin natin ang sektor ng agrikultura sa ating mga probinsya,” ”

Ang pahayag ay ginawa ni Go kasabay ng paglalahad niya ng suporta sa 2021 proposed budget ng  DA  sa pagdinig ng  Senado.

Ayon kay Go, sinusuportahan niya ang DA  dahil  nakikita niyang prayoridad  ng DA ang food security and resiliency ng bansa  sa gitna ng pandemya.

Iginiit nito na malaki ang tiwala niya na tutuparin ng  Kagawaran ang  vision nito at ang pagsisikap na mabigyan ng  tulong ang mga magsasaka at mangingisda  at masiguro  ang produksyon, availability, accessibility , affordability, price stability, sustainability at food safety.

Pinuri din ni Go ang mabilis na pagtugon ng DA  para matugunan ang malaking epekto ng  pandemya.

Ipinaalala ni Go na nagbigay ang DA ng financial subsidy  sa mahigit 530,000 rice farmers,  nagbigay din sila ng  zero-interest loans sa marginalized small farmers and fisherfolks at mga agri-based micro and small enterprises.

“TheDepartment provided financial subsidy to more than 530,000 rice farmers. They have released and continue to release zero-interest loans to marginalized small farmers and fisherfolk, and agri-based micro and small enterprises.”

“In addition, they have extended support services, education, training, and agricultural equipment and facilities to our poverty-stricken farmers and fisherfolk. The help they provided, in turn, safeguarded our nation’s food security which is vital for each and everyone’s sustenance,” pahayag ni Go.

Nanawagan naman si Go na patuloy pang palakasin ng DA ang suporta  para sa agriculture sector sa pagbibigay ng livelihood, food security at mapalakas ang economic activities sa kanayunan.

Ayon kay Go dapat may programa din ang DA na magcocompliment sa Balik Probinsya Program ng Pamahalaan kung saan ay marami sa mga magbabalik probinsya ang gustong magkaroon ng pagkakakitaan.

“Marami pong nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa krisis. Kung uuwi po sila sa kanilang probinsya, bigyan po dapat sila ng oportunidad pang-livelihood na akma sa kanilang lugar at karamihan po ng ating probinsya ay agriculture-driven ang lokal na ekonomiya,”

“Magiging primary source po ng kabuhayan ang agrikultura ng mga magbabalik probinsya kung kaya’t dapat mas palakasin ang mga programang pwedeng magturo at sumuporta sa mga nais magsaka, mangisda, at iba pang kabuhayang pang-agrikultura.”

Maliban dito ay sinabihan din ni Sen. Bong Go si DA Sec. William Dar na tanggalin ang korupsyon sa ahensya partikular na ang isyu ng smuggling sa agrikultura.

More in National News

Latest News

To Top