Connect with us

DA, hinimok na maghanap ng pangmatagalang solusyon para sa suplay ng karneng baboy

Hinimok ang Department of Agriculture (DA) na hanapan ng pangmatagalang solusyon ang nagpapatuloy na problema sa kakulangan ng suplay ng karneng baboy.

National News

DA, hinimok na maghanap ng pangmatagalang solusyon para sa suplay ng karneng baboy

Hinimok ang Department of Agriculture (DA) na hanapan ng pangmatagalang solusyon ang nagpapatuloy na problema sa kakulangan ng suplay ng karneng baboy.

Kasunod ito sa muling pagsagawa ng pork holiday ang mga nagtitinda sa Commonwealth Market sa Quezon City.

Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, dapat hanapan ni Secretary Dar at ng gobyerno ng mabisang solusyon dito dahil kasama sa basic food ng maraming mamamayan ang karne ng baboy.

Binigyang diin naman ng senador na makatutulong sa mga konsumer ang mga imported na karne ng baboy pero malaki ang epekto nito sa mga hog raisers sa bansa.

Nananawagan rin si Go sa mga supplier ng karneng baboy na dapat isipin ang kapakanan ng mga konsumers lalo na ang mahihirap.

Dapat din aniyang iwasan ang pagsagawa ng pork holiday at bumalik na sa pagtitinda dahil kawawa din ang mga mamamayan.

Binigyang linaw naman ni Go na naiitindihan niya ang sitwasyon ng mga pork vendors.

Umaaasa rin ang mambabatas na babalensehin ng mga ito ang mga nangyayari lalo pa at nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng pandemya.

Samantala sinabi naman ng  DA sa pagdinig sa senado na susubukan nilang mapaikli ang araw ng pagpatutupad ng price ceiling sa presyo ng mga karneng baboy at manok dahil sa dumarating na ang suplay sa Metro Manila.

Matatandaan na 60 days ang inaprubahang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte para maipatupad ang price caps sa naturang  meat products.

More in National News

Latest News

To Top