Connect with us

DA chief, pinabulaanan ang pagkakasangkot nito sa umano’y ‘tongpats’ sa pork importation

Pinabulaanan ni Agriculture Secretary William Dar ang pagkakasangkot nito sa umano’y ‘Tongpats’ o kickbacks scheme sa importasyon ng baboy sa bansa.

National News

DA chief, pinabulaanan ang pagkakasangkot nito sa umano’y ‘tongpats’ sa pork importation

Pinabulaanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pagkakasangkot nito sa umano’y ‘Tongpats’ o kickbacks scheme sa importasyon ng baboy sa bansa.

Ani Dar, bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA), kaisa siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa korupsiyon at kahit kailan ay hindi nito hahayaang mangyari ang kahit na anong klase ng korupsyon sa kanyang departamento.

Ang imbestigasyon ng Senado sa DA ay nagmula sa rebelasyon ni Senator Panfilo Lacson noong nakaraang Marso na mayroon umanong sindikato sa loob ng ng departamento kung saan kumukuha ng kickbacks mula ₱5.00 hanggang ₱7.00 ‘tongpats’ sa kada kilo ng imported na baboy.

Sinabi ni Lacson na ang kupit sa nasabing racket ay aabot sa ₱6 bilyon kada taon kung aaprubahan ni Pangulong Dutere ang proposisyon ng DA na babaan ang taripa sa baboy at dagdagan ang import allocation sa nasabing produkto.

Ikinalungkot naman ni Sen. Joel Villanueva na ang nakikita lang na solusyon ng kagawaran ay importation kaugnay sa nangyayaring kakulangan ng pork meats dahil sa pananalasa ng African Swine Fever.

Ani Sen. Villanueva, dapat ang ginagawang solusyon upang tulungang maiahon ang mga magsasakang Pilipino.

Iginigiit umano ng ahensya na kinunsulta nila ang mga magsasaka dito sa importation subalit marami aniyang mga farmer groups ang nagrereklamo naman ukol dito.

Batay sa datos, mahigit 68, 300 ang apektadong hog farmers sa bansa dahil sa ASF.

More in National News

Latest News

To Top