Connect with us

CPP-NPA-NDF, napapanahon na ang katapusan – Pastor ACQ

Ganito pinanindigan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng SMNI News ang sinapit na kapalaran ngayon ng CPP-NPA-NDF

National News

CPP-NPA-NDF, napapanahon na ang katapusan – Pastor ACQ

Simple ngunit malaman.

Ganito pinanindigan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng SMNI News ang sinapit na kapalaran ngayon ng CPP-NPA-NDF matapos itong ideklara na terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC).

Ayon kay Pastor Apollo, dapat noon pa aniya ito nalipol ngunit bigo ang mga nagdaang administrasyon na sugpuin ang mga makakaliwang grupo sa bansa.

Pabor at kaisa din ang Butihing Pastor sa pagtugis sa mga natitira pang  miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Personal namang pinasalamatan ng butihing pastor ang Duterte Adminstration dahil sa sinseridad nito na puksain ang naturang organisasyon na siyang sumisira sa maraming inosenteng sibilyan hanggang sa nauuwi sa pagkasira ng kanilang kinabukasan.

Samantala, bukod sa tagumpay ng pamahalaan sa insurhensiya, patuloy din ang panalo ng NTF-ELCAC dahil sa sunud-sunod na pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga dating rebelde at pagdeklara bilang persona non grata ang CPP-NPA-NDF  ng mga LGU’s.

Nito lamang Miyerkules, ika-21 ng Hulyo, isang pulong ang pinangunahan ng maraming pinuno ng Mamanwa indigenous peoples sa Agusan del Norte at Surigao del Norte.

Ang nasabing pulong ay bilang pagkondena sa dominasyon ng mga NPA sa kanilang lugar at mula  sa pinagsama-samang panawagan na ideklara ang CPP-NPA-NDF bilang persona non-grata.

Ayon  kay Datu Eddie “Bawang” Ampiyawa, mahalaga ang paninindigan ng kapwa nitong katutubo na huwag nang tangkilikin at tanggapin ang mga rebeldeng grupo sa kanilang acestral domains o katutubong lupain.

Naniniwala si Ampiyawa na hindi na muling manghihimasok ang mga NPA sa mga teritoryo ng katutubong Mamanwa oras na makita ng mga rebelde ang pagkakaisa ng mga ito laban sa mga makakaliwang adhikain.

Samantala, ayon kay Cong. Maria Angel Matba ng Cabadbadran, Agusan del Norte, dapat manatili ang init ng mga taga Mamanwa na iwaksi ang karahasan at pang-aabuso sa kanilang lugar na kagagawan ng mga NPA.

Ani Matba, “Mismo kita sa tribo sa Mamanwa naa gyud tay kagubot, wala tay kahiusa mao nay gamiton sa mga NPA. Angay gayud nga mausa ang tribo. Ang importante sa ako makita nako nga nagkahiusa mo, kusog mo.” (Even us in the Mamanwa tribe are in chaos, we have no unity and that is what the npas will use. The tribe must be united. What matters to me is to see that you are united, you are strong.)”

Nangako naman si Maj. Roger Gersava, Battalion Executive Officer ng 29IB na patuloy ang ugnayan nila sa mga katutubong Mamanwa upang matiyak ang seguridad ng mga ito.

“Your concern is your protection, why not join us in protecting you. You can protect yourselves as you are protecting the community. We have quota for our caas, in this way you can protect yourselves aside from rejecting the NPA and pushing them out of your area by not supporting them,” saad ni Gersava.

 

More in National News

Latest News

To Top