Connect with us

CPP-NPA-NDF, lumabag ng 111 kaso sa Int’l Humanitarian Law – AFP

Patuloy ang paglabag ng Communist Party of the Philippines - New People's Army - National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa International Humanitarian Law.

National News

CPP-NPA-NDF, lumabag ng 111 kaso sa Int’l Humanitarian Law – AFP

Patuloy ang ginagawang paglabag ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa umiiral na International Humanitarian Law (IHL).

Sa katunayan batay sa tala ng Armed Forces of the Philippines(AFP), umabot na sa 111 IHL violations ang nilabag ng rebeldeng komunista sa unang 6 na buwan ngayong 2021

Kabilang dito ang paggamit ng child warriors, paninira ng mga ari-arian ng mga sibilyan, paggamit ng landmines at mga pagpaslang.

Hindi pa kasama rito ang 1,506 na paglabag na naitala ng AFP mula sa mga rebelde mula noong 2010.

Ayon kay Brig. Gen. Joel Alejandro Nacnac, director of the AFP Center for Law of Armed Conflict (AFP-CLOAC), ang naitalang mga paglabag ng CPP-NPA-NDF mula pa noong 2010 ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR).

Naghain na rin sila ng kaparehong reklamo sa Department of Justice (DOJ) para maipasa sa local courts kung may makitang sapat na dahilan para masampahan ng kaso.

Iginiit pa ng militar na sa ilalim ng iba’t ibang protocols ng Geneva conventions na karumaldumal ang mga nagawa ng CPP-NPA-NDF.

Patuloy pang tumataas ang mga desperado at karumaldumal na krimen ang ginagawa ng mga rebeldeng terorista gaya nalang ng kamakailan lang na panununog ng mga ito sa isang heavy equipment sa Northern Samar na gumagawa ng mga gov’t projects.

Sa tala ng AFP, sa naitalang 1,617 IHL violations, 309 insidente ang pagpaslang, 199 insidente ng paggamit ng landmine, 560 insidente ang paggamit ng mga menor de edad bilang sundalo nila, 542 insidente ng paninira ng mga ari-arian at 7 iba pang IHL violations.

Umabot naman sa 458 katao ang namatay sa naturang mga insidente

More in National News

Latest News

To Top