Connect with us

CPP-NPA, nagtatayo ng paaralan para maka-develop ng kadre – Datu Bawan

Inihayag ni Datu Bawan Jabob Lanes, Indigenous People Leader na may mga paaralan na pinatatayo at pinag-aaral ang Communist Party Of The Philippines  (CPP) gamit ang international aid para maging kadre.

National News

Ito ang pahayag ni Datu Bawan na dating kadre ng CPP-NPA sa panayam ng Sonshine Radio.

“Ang Komisyon ng Mindanao, pinaka-highest na organ ng CPP dito sa Mindanao ay nagdecide na maglunsad ng school offensive. Nakita kasi nila na may opening na pwedeng makapag-generate ng funds from foreign countries ‘pag ang binitbit mo na issue ay edukasyon ng mga IP.”

Ani Datu Bawan, dahil sa natuklasan ng CPP-NPA, nagtayo rin sila ng mga paaralan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na nagsimula noong 2013.

Dagdag pa ni Datu Bawan, ang Salugpungan ay nag-apply sa Department of Education (DepEd) Region 11 ng 75 schools na kalakip sa kanilang mga plano.

Ayon pa kay Bawan ang mga napagtatapos nilang estudyante ay nagiging kadre ng CPP-NPA.

“Ang objective po nila dito labas sa makakuha ng pondo mula sa labas ng bansa, pangalawa maka-develop ng kadre ng CPP,” ang pagbubunyag ni Buwan.

More in National News

Latest News

To Top