Connect with us

CPP-NPA, idineklarang persona non-grata ng higit 1,400 LGUs

Itinuturing ng Armed Forces of the Pilippines (AFP) na isang terrorist act ang sinabi ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) sa pamumuno ni CPP Founder Maria Joma Sison na magpapakalat sila ng special partisan units para umatake sa pwersa ng pamahalaan sa mga lungsod sa bansa.

National News

CPP-NPA, idineklarang persona non-grata ng higit 1,400 LGUs

Nasa 1,436 na Local Government Units (LGUs) sa bansa ang nagdeklarang persona non grata sa grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), mula sa bilang na 1,715 mga LGU sa Pilipinas.

Sinabi ni DILG Undersecretary at National task force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Jonathan Malaya na ang higit 1,400 na bilang ay 84% ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.

Binigyang diin ni Malaya na ang naturang pasya ng mga LGUs ay taliwas sa naging pahayag ng CPP-NPA na suportado sila ng mamamayang Pilipino.

Mababatid na sa National Capital Region, kasama sa mga nagpasa ng resolusyon na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang persona non grata sa kanilang syudad ang Las Piñas, Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas, Valenzuela, Caloocan City, Pasig, Quezon at San Juan.

Aniya, 6 na rehiyon na ang nakamit na 100% na deklarasyon laban sa makakaliwang grupo kabilang diyan ang Central Luzon, Mimaropa, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccksargen at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang ang  Ilocos region, Cagayan Valley, Calarbarzon at Northern Mindanao ay  nagpasa na ng kanilang resolusyon na nagdedeklara ng persona non-grata sa CPP-NPA.

Sinabi ng DILG na patuloy na tinitiyak na ang “tunay” na kapayapaan ay makakamit sa mga pamayanan sa pamamagitan ng iba`t ibang mga programa.

Kabilang sa programa ang  retooled community support program, capacitating urban communities for peace and development, barangay development program (BDP) at enhanced comprehensive local integration program (ECLIP).

More in National News

Latest News

To Top