Connect with us

CPP, ibinasura ang pagkilala ng ATC sa kanila bilang teroristang grupo

Itinuturing ng Armed Forces of the Pilippines (AFP) na isang terrorist act ang sinabi ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) sa pamumuno ni CPP Founder Maria Joma Sison na magpapakalat sila ng special partisan units para umatake sa pwersa ng pamahalaan sa mga lungsod sa bansa.

National News

CPP, ibinasura ang pagkilala ng ATC sa kanila bilang teroristang grupo

Ibinasura ng Communist Party of the Philippines ang naging desisyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nagtalaga sa kanilang organisasyon at sa New People’s Army bilang mga terorista.

Ayon kay Marco Valbuena, information officer ng CPP, ang naturang pagkilala na ibinigay sa kanila ng ATC ay isa lamang pasimula para sa panggigipit sa kanilang hanay.

Matatandaan na idineklara bilang teroristang grupo ang CPP-NPA matapos lagdaan noong Nobyembre 9 ang resolusyon ng ATC.

Kabilang din sa mga organisasyong idineklarang terorista ang Islamic State in Iraq and Syria o ISIS sa South-East Asia at ang Maute-ISIS.

Nanindigan si Valbuena na hindi kasama sa listahan ng mga itinuturing na teroristang grupo ng United Kingdom at Australia ang CPP-NPA.

Gayunman, ayon sa ATC, may sapat na dahilan para ituring na terorista ang rebedeldeng grupo dahil sa kanilang marahas at armadong gawain na nagreresulta ng pinsala sa mga ari-arian, pagpatay, at masamang epekto sa kalakalan at ekonomiya.

Ang ATC ang inatasang magtalaga ng sinumang indibidwal o grupo bilang terorista batay sa guidelines na itinakda ng United Nations Security Council.

Dahil dito, maaari nang i-freeze ng gobyerno ang assets ng mga rebeldeng grupo.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, matapos ideklara ng ATC ang ilang rebeldeng grupo bilang mga terorista.

Ayon kay Guevarra, kasunod ng naturang hakbang ng ATC ay ang pag-apruba ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa freeze order laban sa CPP-NPA at iba pang itinalagang teroristang grupo.

Nilinaw naman ni AMLC Executive Director Mel Racela na bagama’t walang partikular na account sa ilalim ng CPP-NPA, saklaw naman ng naturang freeze order ang related accounts (RA).

Ayon kay Racela, ang probisyon na pagsasailalim sa assets freeze ng mga teroristang grupo at makatutulong para maiwasan ang posibleng terror attack na posibleng idudulot ng mga ito.

Matatandaan na noong Disyembre 25 ay inaprubahan ng ATC ang resolusyon na nagtatakda sa CPP at ng armadong pwersa nito na NPA bilang mga terrorist organization.

More in National News

Latest News

To Top