Connect with us

COVID vaccination para sa health workers sa Sta. Ana hospital Maynila, sinimulan na

Metro News

COVID vaccination para sa health workers sa Sta. Ana hospital Maynila, sinimulan na

Umaarangkada na ang vaccination roll out sa mga medical frontliners sa  Sta. Ana Hospital Maynila.

Yun nga lamang ay patuloy na umaasa ang lahat na mabakunahan ngayong araw si Manila City Mayor Isko Moreno Domagso ay hindi nangyari

Paliwanag ni Yorme, wala sya kasi sa priority list ng mga pinapayagan na magpabakuna.

Dagdag din ng alkalde na kung halimbawa ay may nagbago ng isip na ayaw magpabakuna ,hindi aniya  ito hahayaang sayangin ang mga bakunang matitira.

Hihingi  rin aniya siya ng clearance para magpabakuna .

Maaring ngayong linggo o sa susunod na linggo, Sinovac na brand din ang gagamitin ni Yorme sakaling magpapabakuna siya kasi ito aniya ang kanyang pangako sa taga Maynila dahil kung anong unang bakuna ang dumating na sertipakadong ligtas ay doon siya magpapabakuna.

Giit ng alkalde, gustong gusto na nitong magpabakuna dahil takot na takot na siya sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Ani yorme 7 beses na daw syang na exposed sa naturang virus at pitong beses na rin daw sya nag negatibo sa COVID -19 test.

Bagama’t hindi naturukan ng bakuna si Mayor Isko ngayong araw ay nabakunahan naman si Vice Mayor Honey Lacuna na isa ring doktor.

Bukod kay vice mayor kasabay sa unang batch na nagpabakuna sa Sta.Ana Hospital ang asawa nito at chief officer  ng Manila Health  Department na si Dr.Arnold Poks Pangan at Sta.Ana Hospital Director Grace Padilla.

Ngayong araw target ng Manila LGU na mabakunahan ang 200 na medical  frontliners.

Continue Reading

More in Metro News

Latest News

To Top