Connect with us

 COVID-19 vaccine ng Sinovac, inirekumenda para sa mga healthcare worker

Inirekumenda ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng Sinovac para mga healthcare worker.

National News

 COVID-19 vaccine ng Sinovac, inirekumenda para sa mga healthcare worker

Inirekumenda ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng Sinovac para mga healthcare worker.

Ito ang inanunsyo ni Department of Health (DOH) Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isinagawang media briefing kasama ang kanilang Technical Advisory Group (TAG) at NITAG.

Sinabi ni Vergeire na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force(IATF) ang nasabing rekumendasyon at nakatakda na itong iprisenta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dr. Maria Consorcia Quizon na miyembro ng NITAG, base sa kanilang ebalwasyon, ligtas at mabisa ang Sinovac vaccine para sa mga healthcare worker.

Gayunman, nasa kamay pa rin aniya ng mga ito ang desisyon kung nais magpaturok ng bakuna ng Sinovac o hindi.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Ong Lim ng DOH TAG na hindi pa rin maari ang Sinovac sa mga may edad 60 anyos pataas.

Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng emerency use authorization(EUA) ang Sinovac na may rekumendasyon na hindi ito maaring gamitin sa mga health workers maging sa senior citizens.

More in National News

Latest News

To Top