Connect with us

COVID-19 vaccine na Sinovac, darating na sa susunod na buwan

Darating na ang bakuna kontra COVID-19 na mula sa Chinese drug maker na Sinovac sa susunod na buwan.

National News

COVID-19 vaccine na Sinovac, darating na sa susunod na buwan

Darating na ang bakuna kontra COVID-19 na mula sa Chinese drug maker na Sinovac sa susunod na buwan.

Sa online briefing, tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakakuha ang Pilipinas ng 25 milyong COVID-19 vaccine doses sa Sinovac.

Darating aniya sa bansa ang unang batch nito na 50,000 doses sa Pebrero.

Ayon kay Roque, ipadadala ng Sinovac ang iba pang vaccines doses ngayong taon.

Ang 50,000 doses ay karagdagan sa 15,000 doses na gagamitin para sa clinical trials sa Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Roque na darating din sa bansa ang iba pang COVID-19 vaccine mula Pfizer sa Hunyo habang sa Hulyo naman ang mula sa Astrazeneca.

Naniniwala naman si Roque na “the worst is over” sa pagharap sa mga suliraning bunga ng COVID-19 sa bansa.

Kumpiyansa din ang kalihim na “road to recovery” na ang Pilipinas ngayong 2021 at ang tangi nitong direksyong tatahakin ay ang pag-akyat at pag-ahon.

Dagdag pa ni Roque, bago pa man matapos ang taong 2021 ay mababakunahan na ang 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino kontra COVID-19.

Oras na maisagawa ito ay makakamtan na aniya ang herd immunity at sisimulan na muli ang unti-unting pagbabalik sa dating daloy ng ekonomiya.

Sa ngayon, nakikiusap na si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na habang wala pang bakuna ay mag-ingat at huwag pakampante.

More in National News

Latest News

To Top