COVID-19 vaccine Moderna

COVID-19 vaccine na ginagawa ng Moderna Inc., wala pang sapat na data – vaccine experts

COVID-19 UPDATES National News

Inihayag ng health-focused Stat News na bigong maipalabas ng Moderna Inc., ang mga critical data sa ginawa nilang vaccine laban sa COVID-19.

Ayon sa Moderna, nagsagawa sila ng clinical trial sa maliit na grupo ng mga healthy volunteer. At mula sa mga ito, nakapag-produce ang vaccine ng antibodies sa mga ito.

Dagdag pa ng nasabing stat news, ayon sa mga eksperto, hindi sapat ang mga data na ipinalabas ng mga ito.

Ayon sa mga eksperto, kulang sa data patungkol sa tugon mula sa ibang mga kalahok sa 45 subject study.

Ilan na dito ang kawalang ng impormasyon sa edad ng mga kalahok. Wala pa ring komento ang National Institute for Allergy and Infectious Diseases hinggil sa naturang vaccine.

Hindi pa rin klaro sa ngayon kung gaano katagal magiging epektibo ang vaccine sa katawan.