Masayang inanunsyo ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senador Richard Gordon na gagawing mas abot-kaya na ang COVID-19 testing.

COVID-19 testing, gagawing mas abot kaya sa publiko

National News

Masayang inanunsyo ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senador Richard Gordon na gagawing mas abot-kaya na ang COVID-19 testing.

Ayon kay Gordon, nakipagsundo ang Philhealth na babaan ang presyo ng RT-PCR test upang mas maraming Pinoy ang maaring makakuha nito.

Mula sa P3,500 ay posibleng bumaba ang presyo ng testing hanggang sa P2,500.

Inaasahan na ang pagbaba ng presyo ng testing ay makatutulong upang ma-test ang mga sektor na hindi naabot ng tulong at hindi kayang mag-patest.

Kasabay nito ay nanawagan si Gordon sa mga indibidwal na may kakayahan o pera na magpa-test ng kanilang sarili dahil limitado lamang anito ang pondo ng pamahalaan.

Inihayag din ni Gordon ang plano ng PRC na magsagawa ng house-to-house surveillance upang masuri ang mga kinakailangang ma-test.