COVID-19 testing capacity tumaas

COVID-19 testing capacity ng Pilipinas, tumaas nang 70.6%

National News

 Tumaas nang 70.6% ang COVID-19 testing capacity ng Pilipinas kada araw.

Ito ang kinumpirma ni BCDA president at National Task Force Covid-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Ani Dizon, ang kapasidad ng bansa na mag-test ay tumaas sa 14,500 nitong May 10 mula sa 8,500 noong May 2.

Ito ay dahil sa dumarami ng mga laboratoryo; kung saan noong nakaraang linggo, mayroong 20 laboratoryo, at sa loob ng isang linggo, nakapagdagdag pa ng 10 laboratoryo.

“Sa loob ng isang linggo ay nakapagdagdag po tayo ng sampung laboratoryo. At dahil doon, ang ating kapasidad ‘no, iyong kapasidad natin na mag-test ay tumaas mula roughly 8,500 noong may 2,” pahayag ni Dizon.

Sa kabila nito, iginiit ni Dizon na ang goal ng pamahalaan ay 30,000 testing capacity kada araw.