Muling nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) sa mga COVID-19 survivor na magdonate ng convalescent plasma sa gitna na rin ng kakulangan ng suplay nito sa health facility.

COVID-19 survivors, muling hinihingan ng donasyon ng plasma

National News

Muling nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) sa mga COVID-19 survivor na magdonate ng convalescent plasma sa gitna na rin ng kakulangan ng suplay nito sa health facility.

Ito ay para makatulong sa recovery ng mga kasalukuyang pasyente.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nagsasagawa ang ospital ng clinical trial para sa convalescent plasma bilang treatment sa COVID-19.

Nilinaw naman ni del Rosario na isinasagawa ang blood donation sa isang pribadong lugar at hindi sa ospital.

Kasunod na rin ito ng takot ng ilang COVID-19 survivors na magtungo sa ospital sa pangamba na muling mahawaan ng sakit.

Sinabi ni del Rosario na halos 30 na severe at critical COVID-19 patients na ang nakatanggap ng plasma ay nagpakita ng improvement.

Sa mga nais magdonate, maaaring tumawag sa hotline ng PGH na 155-200.