Bayanihan Kamara

COVID-19 response bills at 2021 national budget, prayoridad ngayon ng Kamara

National News

Prayoridad ngayon ng Kamara ang  pagpasa sa 2021 national budget at ang mga panukala para sa COVID-19 roadmap for recovery ng pamahalaan sa pagbubukas 2nd regular session ng 18th Congress.

Ayon kay House Majority Floor Leader Martin Romualdez, inaasahan na stimulus budget ang ipapasa nilang pondo para sa susunod na taon para makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nasa P4.3 trilyon ang proposed budget sa 2021 kumpara sa P4.1 trilyon budget ngayong taon.

Ani Romualdez, prayoridad  ng kamara ang 2021 budget sa pagpapalago ng health sector pati narin ang improvement ng mga health facilities sa buong bansa.

Bukod sa national budget at COVID- 19 response bills, target din ng Kamara ngayong taon na maipasa ang Department of Water Bill, Additional Benefits For Solo Parents Bill at mga economic bills laban sa epekto ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, nasa 5 panukala naman ang naipasa na ng Kamara na naging ganap na batas sa 1st regular session.

Kabilang na dito ang Malasakit Center Act, pagsuspinde sa barangay at SK elections, Excise tax sa tobacco products, pagtatayo ng National Academy of Sports at salary hike o umento sa sahod ng mga mangagawa o ang Salary Standardization Act of 2019.

Ilan sa mga panukala na naging ganap na batas sa unang regular session ng 18th congress:

Bukod sa mga nabanggit na panukala, pinirmahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 1st regular session ang Bayanihan to Heal As One Act, ang ammendment sa RA 7797 para sa pagtatakda ng opening of school year at ang kontrobersyal na Anti- Terror Law.

Batay sa record ng house secretariat, mula Hulyo 22, 2019 hangang Hulyo 16, 2020, nasa 1,630 legislative measures ang natalakay sa loob ng 69 session days, o 31 % improvement sa nagdaang Kongreso.