Connect with us

COVID-19 pandemic, tutukan muna bago ang ibang isyu – Ex Defense Sec. Teodoro

Mas magandang tututukan muna ng bansa ang pagersponde sa COVID-19 pandemic.

Uncategorized

COVID-19 pandemic, tutukan muna bago ang ibang isyu – Ex Defense Sec. Teodoro

Mas magandang tututukan muna ng bansa ang pagresponde sa COVID-19 pandemic.

Ito ang naging pananaw ni Dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa panayam ng Sonshine radio.

Ito ay kasunod ng mainit na isyu hinggil sa West Philippine Sea sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Kaugnay naman ng debate sa pagitan ng pangulo at ni Carpio hinggil sa usapin ng West Philippine Sea, sinabi ni Teodoro na mas mainam na idaan ito sa maayos na pag-uusap at hindi sa pamamagitan ng debate.

Giit ni teodoro, walang mabuting maidudulot sa bansa ang debate kundi ang pagkakahati-hati ng sambayanan.

Samantala, kaugnay naman sa pagpapadala ng sulat ni Senator Manny Pacquiao sa pangulo ng Amerika tungkol sa mga usapin ng bakuna kontra COVID-19 at West Philippine Sea, nilinaw ni Teodoro na may karapatan at kalayaan ang lahat ng Pilipino na magpahayag ng kanilang opinyon.

More in Uncategorized

Latest News

To Top