COVID-19 pandemic, nasa mapanganib na yugto na — WHO

National News

Mas bumibilis ang pagkalat ng COVID-19 at pumapasok na ang pandemic sa bago at mapanganib na yugto.

Ito ang sinabi ni World Health Organization Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesu.

Sa ulat na inilabas ng WHO, naitala ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo, araw ng Huwebes na nasa 150,000.

Naitala naman ng halos kalahati ng nasabing bilang sa Amerika.

Paliwanag ni Tedros, marami ng lumalabas sa kanilang mga tahanan at marami ding mga bansa ang nagbubukas na ng kanilang ekonomiya.

Dahil dito, pinayuhan nito ang publiko na tumupad sa health protocols na ipinatutupad upang makaiwas sa kontaminasyon ng virus.