COVID-19 sa Pilipinas

COVID-19 cases sa Pilipinas, maaari umabot sa 40,000 — UP experts

National News

Maaaring umakyat sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Ito ay ayon sa mga eksperto ng University of the Philippines (UP).

Ayon kay UP Institute of Mathematics professor Guido David, ginagamit nilang panukat ang tinatawag na Ro o binibigkas na r-naught.

Kung mababa ng 1 ang r-naught, nangangahulugan na nagkakaroon na ng flattening ngunit kung mas mataas, ibig sabihin ay patuloy ang pagkalat ng virus.

Ngunit nilinaw rin ni David na may pagbagal silang nakikita sa mga kaso sa bansa.

Nagbabala naman si UP Department of Political Science associate professor Ranjit Singh Rye na dapat masusing ikonsidera ng pamahalaan ang naturang mga numero para sa mga ipatutupad na istratehiya sa testing, tracing at treatment nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa Pilipinascp.