Maaaring sumampa sa mahigit 60,000 ang magiging kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng ika-31 ng Hulyo ngayong taon.

COVID-19 cases sa bansa, posibleng aabot sa 60k sa Hulyo 31 -UP study

COVID-19 UPDATES

Maaaring sumampa sa mahigit 60,000 ang magiging kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng ika-31 ng Hulyo ngayong taon.

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng Department of Political Science ng University of the Philippines, dapat pagdesisyunan na ng pamahalaan kung dapat pa bang luwagan ang galaw ng publiko.

Sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa UP, tumaas ng 50% ang fresh COVID-19 cases sa General Community Quarantine (GCQ) kumpara noong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) pa lang ang bansa.

Malaki rin ang posibilidad na tataas pa hanggang sa 95,000 na bilang ng kaso pag-abot naman ng ika-31 sa buwan ng Agosto.

Dahil ditto, iminungkahi ng mga eksperto na dapat maabot na ang 20,000 actual tests sa bansa.