COVID-19 case umabot 9500

COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa halos 9,500

COVID-19 UPDATES National News

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa inilabas ng report ng Department of Health ngayong araw as of 4pm, umabot na sa 9,485 ang bilang ng mga nagkakasakit sa COVID-19 sa bansa.

262 panibagong kaso ang naitala sa nakalipas na magdamag kung saan may pinakamaraming naitala sa NCR na umabot sa 122.

Umabot naman sa 1,315 ang mga gumaling sa COVID-19 kasunod ng 101 new recoveries sa nakalipas na magdamag.

16 naman ang panibagong nasawi dahil sa naturang nakamamatay na virus na umabot na sa 623 sa kabuoan.