NCOV

Coronavirus Disease, hindi airborne – DOH

Health National News

Binigyang diin ni Health Sec. Francisco Duque III na wala pang ebidensya na airborne ang Novel Coronavirus Disease (COVID 19).

Kasunod ito ng lumabas na artikulo sa China na nagsasabing airborne na ang nakamamatay na 2019-nCoV.

Sinabi ni Duque na nabuo ang ideya na maaaring airborne na ang 2019-nCoV dahil sa ma­ling translation nito mula sa medical term ng mga eksperto.

Iginiit naman ng World Health Organization (WHO) na nananatili sila sa resulta ng pag-aaral na droplets lamang ang paraan para mailipat ang virus mula sa maysakit patungo sa bagong biktima.

Muling nanawagan ang DOH at WHO sa publiko na dalasan ang paghuhugas ng kamay, takluban ng kamay ang bibig at ilong tuwing babahin o sinisipon, at iwasang lumapit sa mga taong may sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *