Connect with us

Contact tracing app ng bansa, ilulunsad ngayong araw – IATF

National News

Contact tracing app ng bansa, ilulunsad ngayong araw – IATF

Opisyal nang ilulunsad ngayong araw ang kauna-unahang contact tracing application ng bansa.

Ayon sa Inter- Agency Task Force (IATF), makatutulong ito sa mabilis na pagtrace, pag isolate at pagbibigay lunas sa mga mahahawaan ng COVID-19.

Matapos ang pag-aaral at pagtutulungan ng Inter- Agency Task Force, Department of Information and Communications  Technology (DICT) ay  ilulunsad ang official contact tracing account ng bansa.

Gagamitin ang aplikasyon para mangalap ng impormasyon mula sa mga pinakaapektadong lugar o kumunidad sa bansa mula sa banta ng COVID-19.

Tiniyak naman ng IATF na walang ibang hahawak ng mga mahahalagang impormasyon na makukuha mula sa nasabing aplikasyon kundi ang pamahalaan lamang.

Kaya naman nauna nang ipinag utos sa ilalim ng IATF Resolution No. 45 ang pagsasalin sa lahat ng mahahalagang impormasyong na nakalap  ng developer sa pangangalaga ng Pamahalaan.

Kaugnay nito, tiniyak mismo ng developer ng aplication na Multisys na nag-comply sila sa data privacy act ng bansa, ibig sabihin confidential ang lahat ng impormasyon dito.

More in National News

Latest News

To Top